Book Reviews

PH Blog Tour: Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang by Edgar Calabia Samar, Illustrated by Mervin Malonzo [REVIEW]

Hindi ako makapaniwala na sa aking pagbabalik sa pagsusulat sa aking blog ay ang aking review tungkol sa komiks ng Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang na isinulat ni Edgar Calabia Samar at iginuhit ni Mervin Malonzo.

Pero bago ang lahat, nais ko’ng pasalamatan sina Raf (The Royal Polar Bear Reads) at Prin (Princess and Pages) sa pagho-host ng blog tour ng Janus Silang.

Pamagat: Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang (Janus Silang #2)

Isinulat ni: Edgar Calabia Samar

Iginihunit ni: Mervin Malonzo

Inilathala: Nobyembre 23, 2019 ng Anino Comics at Haliya Publishing

APAT NA BUWAN NA SI JANUS SA MANSIYON NINA MANONG JOEY SA AGONO PERO NAROON PA RIN ANG SAKIT NG DILANG-KARAYOM NG MANANANGGAL SA PUSO NIYA DAHIL SA PAGKAWALA NG MGA MAHAL SA BUHAY AT SAPILITANG PAGLAYO KAY MICA.

Simula ng Christmas break nang mawasak ang proteksiyon ng mansiyon laban sa Tiyanak at sa mga kampon nito. Matinding barang ba ito? Nawawala rin si Mira, ang isa sa kambal na baganing kasing-edad ni Janus at inampon din nina Manong Joey. Ipinagtapat naman ni Renzo kay Janus ang matagal na palang sinusundan ni Manong Isyo: bumalik sa mapa ng utak ng dalawang manong ang brain imprint ng Papa ni Janus at maaaring buhay pa pala ito! 

Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children’s encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.

ABOUT THE ARTIST


Mervin Malonzo wrote and drew the National Book Award-winning comic TABI PO. He also worked with writer Adam David on another title called ANG SUBERSIBO, a comic adaptation of Rizal’s NOLI and FILI. He graduated magna cum laude in UP Fine Arts. When he is not creating comics, he is creating websites, animations, and illustrations for other people and entities.

November 18

Prin from Princess and Pages

Rafael from The Royal Polar Bear Reads

November 19

Kevin from One Mantra Blog

Jenny from Levicorpvs Blog

November 20

Joel from Descendants of Poseidon Reads

Elena from The Queen Reads

November 21

Dexter from Dexterous Totalus

Cathrina from PuggyReader Writes

November 22

Jord from tsa-tsub Blog!

Shaine from Wanderer in Neverland

Sumali ako sa blog tour na ito dahil isa sa mga dahilan ay ang matagal ko ng makikita at nababasa ang mga review ni Niel sa social media tungkol kay Janus Silang. Ngunit, wala akong pagkakataon na basahin ito dahil sa trabaho at iba pang bagay. Bukod doon, naisip ko na ito na ang aking pagkakataon upang bigyan ito ng oras na basahin kahit na sa pamamagitan ng komiks.

At hindi ako nagsisi. Hindi ako nagkami. Dahil matapos ko na mabasa ang unang komiks (Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon) ay agaran ko’ng sinimulan ang pangalawa.

Nais ko’ng simulan ang review na ito sa unang komiks. Dahil hindi ako ganoon kapamilyar sa Janus Silang (ito sa kadahilanan na hindi ko pa nababasa ang nobela), maraming pagkakataon na ako ay nagulumihanan sa aking mga nabasa. Ngunit mas madalas ako ay matakot sa aking nababasa. Natakot ako dahil sa mga tauhan gaya ng tiyanak, mananaggal, bagani, pusong, duol, at iba pa. Bukod doon, natakot ako sa posibilidad na maaring totoo ang aking mga nababasa. Maraming tanong ang naiwan sa aking isipan matapos mabasa ang unang komiks. Kaya naman isinunod ko agad ang ikalawa.

Sa totoo lamang, matapos kong mabasa ang ikalawang komiks, hindi ko alam ngunit nais kong manakit, sumigaw at magwala. Masyado akong sinaktan ng kwentong ito. Masakit na nga ang pangyayari sa unang kwento pero mas masakit itong ikalawa. Hindi ko lubos maisip na sa aking paglipat ng pahina, maaring mangyari ang mga bagay na hindi mo inaakala o hindi mo naisip.

Ngunit sa kabilang banda, ako ay natutuwa dahil sa aking mga bagong natutunan tungkol sa mga alamat. Nakagagalak dahil napakayabong ng alamat sa Pilipinas. Mas nabuksan nito ang aking kuryosidad upang pag-aralan at magbasa pa ng mga kwento tungkol sa iba’t ibang nilalang sa mundo.

Pinupuri ko si Edgar Calabia Samar dahil sa napakagandang kwento na kanyang isunalat. Dalang dala ako sa bawat mangyayari at sa mga nangyari. At gayundin din si Mervin Malonzo, dahil sa kanyang mga iginuhit na nagmarka sa aking isipan na hanggang sa aking panaginip ay lumilitaw.

Naniniwala ako na ang kwentong ito ay mamahalin ng ibang mambabasa sa lahat ng edad.

P.S. Habang binabasa ko ang unang komiks, ang aking bunsong anak na si Damonn, ay kaagaw ko sa pagbabasa dahil nakuha nito ang kanyang atensyon at nabuksan ang kuryosidad.

1 thought on “PH Blog Tour: Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang by Edgar Calabia Samar, Illustrated by Mervin Malonzo [REVIEW]”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s